Sunday, August 14, 2011

Comments to Marinduque Rising, Power Double Talk Article


Candle Power

The following are comments from the recent article titled Power Double Talk that I
re posted in my blog recently. My comments on #2 are in bold.

1. Marinduquenos cannot blame anyone but themselves because they were the one who elected public officials that governed the province. People of Marinduque knew that these government was futile and incapable of dealing with the constituents basic need (including power crisis) and yet they gave these officials a "red carpet" to the public office when they casted their vote, so why complained now.???

2. What about renewable energy? Sa San Fernando (Sibuyan Island) Romblon may mini hydro that generates 900kw. May ilog sa itaas ng bundok katabi ng talampas. Binakuran para mag impound ng tubig at saka linagan ng 2 tubo na me lapad ng 3 katao naghahawak kamay. Ang tubig ay dumadaloy sa tubo na nakalagay sa gilid ng talampas at bumabagsak ito na me lalim ng 3 layugan. Sa pagbagsak ng tubig sinasambot ito ng 2turbinang inangkat sa China (me pahintulot ang DOE sa pag import nito kaya tariff at custom duty free) ang pwersa nakukuha sa pagbagsak ng tubig ang syang pinagmumulang ng 900kw. OO maliit ang 900kw sa pangangailangan ng sibuyan island me me kabuohang 1.3mw pangangailangan sa enerhiya sa gabi (700kw sa umaga) pero halos wala silang brownout di gaya sa Marinduque Island na hanggang ngayon ay busy pa rin sa pagtatalo na posibleng umabot sa 1 siglo.

Ang teknolohiya ngayon ay umunlad ng malayo kung ikukompara sa nagdaang o mga nagdaang dekada. Ng minsang napadpad ako sa DBP boardroom nun 2006 para sa isang meeting on dbp forest project, napansin ko me blue map nakadisplay sa wall at ito ay wind and diesel turbine plants around Marinduque, Romblon, at Mindoro Island. Para sa Marinduque me 2 wind/diesel plant nakatutok sa ibabang parte ng Torrijos halos gilid ng Malindig. D ko lang naitanong kung me taker sa project na ito. Inisip ko lang WOW nasa RE investment map pala ang ilang probinsya sa MIMAROPA.

At isa pa. Sa campus ng Romblon State University (RSU) me research facility (Nursery) on Beema Bamboo sila. Sa loob ng 2 taon pinag aralan nila ang acclimatization ng Indian bamboo na ito sa kondisyon ng panahon at agronomiya sa Pilipinas. Naging matagumpay ang research at nagkaroon ng pagpapatunay na sa parehong edad ng punla (Indian nursery vs Pinoy nursery) me 30% mas mataas pa ang punla dito compare sa India. Sa kasalukuyan nagsisimula na sila sa energy crop plantation sa 2 campus ng RSU. Me mga usaping panghihikayat na ngayong isinasagawa upang maisakatuparan ang layuning 160 ektaryang plantation. Ang buyos ng bamboo na ito e 5 beses ang kapal at ang chips nito ang gagamiting pang gatong sa powerplant. Ngayong taon din, sisimulan ang pagtayo ng R&D facility (2MW powerplant) sa loob ng RSU campus. Kung maisasakatuparan ang pagpapalaganap ng energy crop plantation na maitaas sa 600 ektarya, ang ka-partner ng RSU e magpapatuloy sa pag-expand ng powerplant into 8MW para sustenahan ang pangangailangan ng Tablas Island sa susunod na 10 taon. O di ba habang busy ang Marinduque sa satsatan eto me kaganapang nagaganap sa Romblon upang matugunan ang problema nila sa enerhiya sa susunod na panahon.

Marinduque should learn a lesson of what Romblon had done or are doing currently for their power energy source. Let us stop talking/grumbling and do something.

3. David B Katague: Excellent article. Could I repost excerpts of this in one of my blogs?

4. Eli Obligacion: Pls do Dave and maybe also include the above comment that shows what neighboring Romblon is doing while we, Marinduquenos, just keep talking. Thanks!


No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...